Duterte's World

Noon at ngayon ni Tata Digong...me pinagkaiba ba?
Welcome po sa D Duterte's World. I'm Patricio Mangubat, a certified DDS as in Digong's Dedicated Servant!

Kaya ko po naisipang itayo itong blog na ito dahil po I'm sick and tired po reading false news sa Philippine Daily Inquirer, sa Philippine Star, sa Manila Bulletin at sa mga radyo and teevee channels. Kadamo nilang sinasabi  tungkol ke Tatay Duterte na nakakainis na po talaga.

Gusto po kasi nilang matanggal sa pwesto ang Tatay Digong, kaya hayun, imbento sila ng imbento ng storya.

Inaakusahan nilang sinungaling si Tatay Digong. Nangangako raw, eh napapako naman. Tulad po ng giyera sa druga! Sabi daw ni Tatay Digong, pinagyabang na anim na buwan lang, solved na yung problema. Lumipas ang anim na buwan, nariyan pa rin sa lansangan mga kawatan. Nagbebenta pa rin ng shabu ang mga drug pushers, madami pa ring drug addicts at sandamukal ang mga drug lords.

Aminado naman po si Tatay na over estimated niya ang problema. Kaya naman, nagpadagdag pa ng buwan.

Isipin nio, labingtatlong libo po ang namatay. Okey lang yun. Expected na yun. Di ba nia "D Punisher" ang tawag ke Tatay none siya pa eh mayor ng Davao?

Noong eleksyon, sabi ni Tatay Digong, mas mahirap pa siya kesa sa nagtitinda ng galunggong. Tayo namang mga gunggong, yehey tayo ng yehey, at least, me mahirap na magiging Pangulo!

Ngayon, nabulgar yung pinaka tago tago ni Tatay Digong---ang bilyones niya sa bangko. Sabi pa nga ng Tatay, na medyo ikinasakit ko ng loob, pero okey na ako ngayon, na kasalanan daw ng mga magulang naming mga mahihirap bakit ako o tayo mahirap ngayon.

Swerte daw siya, meron siyang tatay na malagas kay Macoy at mayroon silang mga lupain. Noon nag daw na law student pa lang siya, milyonaryo na po siya. Malas daw lang ng iba na pinanganak silang mahirap.

Swerte nga po si Tatay Digong. Maliit pa lang, kaklase na niya mga milyonaryong tulad nina Dominguez, Tugade na nagtataka naman po ako, na mayaman na, nakikisawsaw pa rin sa gawain ng gobyerno?

Hay naku. Kasalanan po ba ng Tatay Digong na maning kaututang dila niya ang mga mayayaman. Kasalanan din po ba ni Tatay Digong na makalikom siya ng bilyones habang nasasa gobyerno siya?

Antabayanan pa po ang mga ibang balita at opinión dito sa Duterte's World.


Comments